Friday, August 2, 2013

Mga Likas Na Yaman ng bansa


Yamang gubat

Sa mga pinagkukunang yaman ng bansa…ang mga kagubatan ang may pinakamalaking sukat. Maraming nakukuhang tabla at langis, aromatiko mula sa mga punong diptercarp. Mga pula at puting  lawan at tangili na itinuturing na pinakamahalagang supply ng tabla sa bansa. Makukuha rin sa mga troso, tabla, plywood, tropal o veneer at dagta at resin.




Yamang Tubig
Malawak ang karagatan ng Pilipinas na umaabot sa baybayin ng 17,640 kilometro at 266 milyong ektaryang coastal waters at 193.4 ng karagdagang bahagi na nagmumula sa karagatan. Tinatayang umaabot ng 18.46 milyong ektarya ang kabuuang lawak ng karagatan kabilang ang 338,393 ektarya ng latian at mga ilog imbakan na matatagpuan sa bansa.




Yamang Mineral
Isa sa mga pangunahing industriya na nagpapataas ng reserbang dolyar ng bansa ay ang ating mga mineral na yaman.
     ♣Metalikong Mineral- binubuo ng mga metalikong mineral tulad ng ginto, bakal, nickel, tanso, uranium, cadmium, chromite, manganese at zinc.
     ♣Di-Metalikong Mineral- binubuo naman ito ng mga merkuryo, flourine at iba pang di metalikong mineral